Balarila
Ang balarila ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod: ng morpolohiya o pagsusuri sa pakakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita. Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa wastong paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita. Kung minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan o saligan ng mga kaalaman. Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.
Pangungusap
Ano ang Pangngusap?
Dalawang Bahagi ng Pangungusap
(simuno) (panaguri)
Ang mga bata ay naglalaro.
(simuno) (panaguri)
Si Jose Rizal ay isang henyo.
(simuno) (panaguri)
Umawit ng kundiman si Claire.
(panaguri) (simuno)
Ayos ng Pangungusap
Sumakay ng bangka ang mag-ama.
(panaguri) (simuno)
Halimbawa
Ang mag-ama ay sumakay ng bangka.
(simuno) (panaguri)
Mga Uri ng Pangungusap
Tumawa ng malakas ang mga bata.
Si Nene ay marahang kinuha ang palamuti.
Dagdagan mo ng asin ang niluluto mo.
Kunin mo ang mga gamit mo dito.
Anyo ng Pautos
Huwag ka muna umalis sa kasiyahang ito.
Huwag ka mong ituloy ang binabalak mo.
Ipagluto mo ng masarap na hapunan ang tatay mo.
Ipaalala mo sa kapatid mo ang baon nya.
Ano ang pangalan mo?
Anyo ng Patanong
Nagluto ka na ba ng hapunan?
Naririnig mo ba ako?
Hindi ka ba maliligo?
Hindi ba kayo sasali sa welga?
Ano ang iyong ginagawa kanina?
Saan gaganapin ang pagtitipon?
Tayo ba ay aalis na?
Dumaan ka na dito, hindi ba?
Naku, nalulunod ang bata!
Sunog!
- Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.
- Ang pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.
- Ang pangungusap ay nagtataglay ng buong diwa. Meron itong simuno na siyang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Maaaring ito ay tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. At meron din itong panaguri na nagbibigay paliwanag o impormasyon tungkol sa paksa.
Dalawang Bahagi ng Pangungusap
- Simuno - tumutukoy sa paksa o ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay tinatawag na subject sa wikang Ingles.
- Panaguri - tumutukoy sa bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay tinatawag na predicate sa wikang Ingles
- Halimbawa:
(simuno) (panaguri)
Ang mga bata ay naglalaro.
(simuno) (panaguri)
Si Jose Rizal ay isang henyo.
(simuno) (panaguri)
Umawit ng kundiman si Claire.
(panaguri) (simuno)
Ayos ng Pangungusap
- Karaniwang Ayos - ito ay pangungusap na nauuna ang panaguri kaysa sa simuno/paksa. Hindi ginagamitan ng salitang “ay”.
Sumakay ng bangka ang mag-ama.
(panaguri) (simuno)
- Di-karaniwang Ayos - ito ay pangungusap na nauuna ang simuno kaysa panaguri. Ginagamitan ng panandang "ay".
Halimbawa
Ang mag-ama ay sumakay ng bangka.
(simuno) (panaguri)
Mga Uri ng Pangungusap
- Paturol o Pasalaysay – ito ay pangungusap na naglalahad ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Tumawa ng malakas ang mga bata.
Si Nene ay marahang kinuha ang palamuti.
- Pautos – ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).
Dagdagan mo ng asin ang niluluto mo.
Kunin mo ang mga gamit mo dito.
Anyo ng Pautos
- Pautos na Pananggi – Pinangungunahan ng salitang "huwag".
Huwag ka muna umalis sa kasiyahang ito.
Huwag ka mong ituloy ang binabalak mo.
- Pautos na Panag-ayon – Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.
Ipagluto mo ng masarap na hapunan ang tatay mo.
Ipaalala mo sa kapatid mo ang baon nya.
- Patanong – ang pangungusap kung nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Ano ang pangalan mo?
Anyo ng Patanong
- Patanong na masasagot ng OO o Hindi
Nagluto ka na ba ng hapunan?
Naririnig mo ba ako?
- Pangungusap na Patanggi ang Tanong
Hindi ka ba maliligo?
Hindi ba kayo sasali sa welga?
- Gumagamit ng Panghalip na Pananong - Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang: ano, alin, sino, saan at iba pa.
Ano ang iyong ginagawa kanina?
Saan gaganapin ang pagtitipon?
- Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong
Tayo ba ay aalis na?
- Tanong na may Karugtong o Pabuntot
Dumaan ka na dito, hindi ba?
- Padamdam – ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!). Hala! Aba! Ha! Hoy! Gising! Naku!
Naku, nalulunod ang bata!
Sunog!
Pangngalan
Pangngalan (Noun)
I. Introduksyon
- Ang Pangngalan ay ngalan ng tao, lugar, bagay, gawa o pangyayari.
Hal.
aso
pusa
Juan
Maynila
II. Mga Uri ng Pangngalan
1. Pantangi – mga pangngalang nagsisimula sa malalaking Titik.
Hal. Monggol, Toyota
2. Pambalana – mga pangngalang nagsisimula sa maliit na Titik.
Hal. lapis, kotse
3. Lansakan – mga pangngalan tumutukoy sa isang pangkat.
Hal. tangkas, dosena, kumpol
III. Gamit ng Pangngalan
1. Ang pangngalan ay maaring gamiting simuno o panaguri ng pangungusap.
Hal.
Bata si Ana
2. Maari ring gaimting layon ng pandiwa, ganapan, atpinaglalaanan.
Hal.
Bumili si Juan ng bolpen sa tindahan para sa kanyang kapatid.
3. Ang simuno ay ang paksang pinag-uusapan. Kung ang simuno ay pangngalan, ito ay may panandang ang o si.
Hal.
Si Juan ay ang nakasira ng mesang ito.

Panghalip
Ang Panghalip ay ang salitang panghahalili o pamalit sa pangngalan. Ito ay tinatawag naPronoun sa wikang Ingles.
Panao
ang tawag sa panghalip na pamalit o panghalili sa pangngalang tao. Ang panghalip na panao ay ipinapalit sa taong nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan. Ito ay maaring isahan o maramihan
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan
Una ako, ko, akin, kata kita, amin, natin, atin tayo, kami, naming, atin
Ikalawa iyo, mo, ka, ikaw kayo, inyo, ninyo kayo, inyo, ninyo
Ikatlo kaniya, siya, niya nila, sila, kanila nila, sila, kanila
Kung saan ang:
Unang Panauhan — tumutukoy sa tagapagsalita.
Ikalawang Panauhan — tumutukoy sa kinakausap.
Ikatlong Panauhan — tumutukoy sa pinag-uusapan.
Datu Kalantiaw
panghalip na ipinapalit o ihinahalili sa pangngalang bagay o lugar na itinuturo. Halimbawa, Ang ito, iyan at iyon ay mga panghalip na pamatlig na pambagay Ang dito, diyan at doon ay mga panghalip na pamatlig na panlunan.
Ginagamit ang:
Ito – kung hawak o malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo
Iyan – kung hawak o malapit sa kinakausap ang bagay na itinuturo
Iyon – kung ang itinuturong bagay ay malayo sa nag-uusap
Dito – kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa nagsasalita
Diyan – kung malapit sa kinakausap ang lugar na itinuturo.
Doon –kung ang lugar na itinuturo ay malayo sa nag-uusap
Ang dito, diyan at doon ay nagiging rito, riyan at roon kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig sa mala-patinig na w at y.
Halimbawa: parke roon; bahay rito
Kinalalagyan Paturol Paari Patulad Pahimaton
Malapit sa nagsasalita ito,ire,dito nito, nire ganito,ganire eto, heto
Malapit sa kausap iyan niyan ganyan hayan, ayan
Malayo sa kausap iyon niyon ganoon hayun, ayun
Panaklaw
Ito ay nagsasaad ng dami o kalahatan.
anuman, kaninuman, lahat, bawat-isa, alinman, sinuman, pulos, madla, iba
Nakahilig na pantitik halimbawa:Lahat tayo ay magtutulungan.
Panghalip na kaukulan
Palagyo
Ito ay kapag ginagamit ang panghalip bilang simuno.
Panauhan Una Ikalawa Ikatlo
Unang Panauhan ako kata kami
Ikalawang Panauhan ka ikaw kayo
Ikatlong Panauhan siya sila
Halimbawa:
Ako ang magluluto.
Ikaw ang magluluto.
Siya ang magluluto.
Paari
Ito ay nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay.
Unang Panauhan akin, ko, amin, atin, naming, natin
Ikalawang Panauhan mo, iyo, ninyo, inyo
Ikatlong Panauhan niya, kaniya, nila, kanila
Halimbawa:
(Pauna) Ang inyong damit ay nalabhan na.
(Pahuli) Ang damit mo ay nalabhan na.
Palayon
Ito ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak.
Halimbawa:
Si Jenny ay nakasakay ko.
Pinakain nila ang mga tuta.
Mga Gamit ng Panghalip
Panaguri ng Pangungusap
Halimbawa:
Ang pera ay kanya.
Ang bola ay kanila.
Panuring Pangngalan
Halimbawa:
Ang ganiyang tatak ng relo ay maganda.
Ginagamit bilang Pantawag
Halimbawa:
Ikaw, umalis ka na.
Kayo, hindi ba kayo sasama?
Sila , hindi pa ba sila kakain?
Bilang Kaganapang Pansimuno
Halimbawa:
Tayo ay kakain na.
Iyan ang gagawin mo.
Bilang Layon ng Pang-ukol
Halimbawa:
Nagluluto si Diane para sa inyo.
Para sa kanila ito.
Sa kanila itong proyekto na ito.
Tagaganap ng Pandiwa sa Balintiyak na Ayos
Halimbawa:
Inabutan niya sila ng pagkain.
Ang relo na binili mo ay maganda.

Pandiwa
Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay tinatawag na Verb sa wikang Ingles.
Mga halimbawa:
Mga halimbawa:
- Pumunta ako sa tindahan
- Binili ko ang tinapay
- Tagaganap o aktor - ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa.
- Nanguna si Richard Gordon sa pagsulong ng turismo ng bansa.
- Layon o Gol - ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa pangungusap.
- Ginawa niya ang programang ito para sa ikakauunlad ng ating turismo.
- Ganapan o Lokatib - ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos.
- Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila.
- Tagatanggap o Benepaktibo - ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng pandiwa.
- Ipinaghanda niya ng masarap na kakanin ang mga panauhin.
- Gamit o Instrumental - ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.
- Ipinamili niya ang pera para sa eksibit.
- Sanhi o Kosatib - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.
- Ikinatuwa ng Pangulo ang katagumpayan ng programang WOW.
- Direksyunal - pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo ng kilos.
- Pasyalan natin ang WOW sa Intramuros.
- Aktor. Nagtuturo na ang tagaganap o aktor ang siyang simuno ng pangungusap
- Nagsayaw ng limbo rock ang mga kalahok sa paligsahan sa programang Eat Bulaga.
- Layon. Ang paksa ng pangungusap ay ang layon.
- Ang basura ay ipinatapon niya sa basurahan.
- Ganapan. Ang lugar o pook ang ganapan ng kilos.
- Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng gulay.
- Tagatanggap. Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos.
- Ipagsasalok mo ng suka ang bisita para inumin nila..
- Gamit. Ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos.
- Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan.
- Sanhi. Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi.
- Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.
- Direksyon. Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.
- Ang Chocolate Hills ay pinuntahan nila.
Pang-uri at pang-abay
Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.
May apat na anyo ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
Ang pang-abay o adberbyo ay mga salitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Mayroong siyam na mga uri ng pang-abay: ang pang-abay na pamanahon, pang-abay na panlunan, pang-abay na pamaraan, pang-abay na pang-agam, pang-abay na panang-ayon, pang-abay na pananggi, pang-abay na panggaano (tinatawag ding pang-abay na pampanukat), pang-abay na pamitagan,at ang pang-abay na panulad.
Pang-abay na pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas. Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang pananda ay mayroong mga salitang katulad ng kahapon, kangina,kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan."
Pang-abay na panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak upang dalawin ang kanilang mga kamag-anak." Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na mayroong pang-abay na panlunan ang mga pariralang sa, kina o kay. Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Samantala, ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao. Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina." at ang "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan mo."
Pang-abay na pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Sinakal niya ako nang mahigpit."
Pang-abay na pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."
Pang-abay na panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga,syempre at iba pang halimbawa. Halimbawa ay "Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan."
Pang-abay na pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan ito ng mga pariralang katulad ng hindi, di at ayaw. Halimbawang pangungusap para rito ang "Hindi pa lubusang nagamot ang kanser.". "Hindi ako papayag sa iyong desisyon".
Pang-abay na panggaano o pampanukat
Ang pang-abay na panggaano o pang-abay na pampanukat ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong na gaano o magkano ang halaga. Halimbawang pangungusap para rito ang "Tumaba ako nang limang libra."
Pang-abay na pamitagan
Ang pang-abay na pamitagan ay ang pang-abay na nagsasaad ng paggalang. Halimbawang pangungusap para sa pang-abay na ito ang "Kailan po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo?"
Pang-abay na panulad
Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Higit na magaling sumayaw si Armandokaysa kay Cristito."
May apat na anyo ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
- Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,
- Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,
- Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro.
- Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko at bahag buntot.
May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
- Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.
- Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
- Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-.
- Pantangi-sinasabi ang tiyak na pangngalan.
- Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
- Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
- Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.